Skip to content
Opens in a new window

[1] Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.

[2] Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.

[3] Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.

[4] Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.

[5] Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.

[6] Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.

[7] Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.

[8] Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.

[9] Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.

[10] Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:

[11] Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.

[12] Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?

[13] Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

[14] Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.

[15] Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.

[16] Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.

[17] Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

[18] Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;

[19] Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit — Chapters