Milyong dolyar na turismo: Sporting events tulad ng 2026 AFC Women's Asian Cup, malaking tulong sa ekonomiya ng Australia
14 March 2026

Milyong dolyar na turismo: Sporting events tulad ng 2026 AFC Women's Asian Cup, malaking tulong sa ekonomiya ng Australia

Buhay Australia

About
Milyon-milyong dolyar ang naiaambag ng mga malalaking sporting events sa pagpapalago ng food at tourism industry sa Australia. Kapag may international tournaments, dumarami ang mga turista at fans na gumagastos sa pagkain, inumin, at hospitality services sa mga stadium at kalapit na negosyo. Gaya na lamang ng 2026 AFC Women's Asian Cup, na inaasahang magbibigay ng malaking kita sa ekonomiya ng bansa sa pagdagsa ng mga manonood, media, at mga koponan mula sa iba’t ibang bansa.