Skip to content
Opens in a new window

[1] Kaya sa katapus-tapusan, mga kapatid, kami ay humihiling at sumasamo sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus na kayo ay lalong higit na sasagana kung paano kayo dapat mamuhay at magbigay-lugod sa Diyos ayon sa inyong tinanggap mula sa amin

[2] sapagkat alam ninyo kung ano ang mga tagubiling ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.

[3] Dahil ito ang kalooban ng Diyos, maging ang inyong kabanalan upang inyong maiwasan ang pakikiapid,

[4] na dapat alam ng bawat isa sa inyo kung paano niya iingatan ang kaniyang sariling katawan para sa kabanalan at karangalan,

[5] hindi sa nasa ng laman kagaya rin ng mga Gentil na hindi kinilala ang Diyos,

[6] upang walang magmalabis at magsamantala sa kaniyang kapatid sa anumang bagay sapagkat ang Panginoon ang tagapaghiganti patungkol sa lahat ng mga bagay na ito katulad din ng sinabi namin sa inyo nang una pa at aming patuloy na pinatotohanan,

[7] sapagkat tayo ay hindi tinawag ng Diyos sa karumihan kundi sa kabanalan.

[8] Kung kaya siya na tumatanggi rito ay hindi ang tao ang tinatanggihan kundi ang Diyos na siya ring nagbigay ng kaniyang Banal na Espiritu sa atin.

[9] Ngunit patungkol sa pag-ibig sa kapatid, hindi na ninyo kailangan na ako ay susulat sa inyo sapagkat kayo mismo ang tinuruan ng Diyos na mag-ibigan sa isa't isa,

[10] dahil ito rin mismo ay inyong ginagawa para sa lahat ng mga kapatid na mga nasa buong Macedonia, kaya kami ay sumasamo, mga kapatid, na kayo ay lalong higit na sasagana,

[11] at magsikap na maging tahimik at gawin ang inyong mga gawain, at gagawa sa pamamagitan ng inyong mga kamay ayon sa aming ipinagtagubilin sa inyo

[12] upang kayo ay mamuhay na may karangalan sa kanila na mga nasa labas at huwag kayong magkulang ng anuman.

[13] Ngunit, mga kapatid, hindi ko ibig na kayo ay maging walang alam patungkol sa mga natutulog upang hindi kayo magdalamhati katulad din ng iba na mga walang pag-asa,

[14] sapagkat kung tayo ay naniniwala na si Jesus ay namatay at muling bumangon, kahit sila na natutulog kay Jesus ay dadalhing kasama ng Diyos.

[15] Dahil ito ang sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong mga nananatiling buhay hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi kailanman mauuna sa kanila na mga natutulog,

[16] sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.

[17] Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman.

[18] Kung kaya palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.

Ang Unang Sulat Ni Apostol Pablo Sa Mga Taga-Tesalonica — Chapters