About
Ang nagpapatakbo sa buhay ng isang alipin ng Diyos ay ang Diyos at ang kanyang mga salita. Sa buhay mo ba, sa araw-araw, pinahahalagahan mo ba talaga ang salita ng Diyos? Binabasa mo ba ‘yan araw-araw? Pinagbubulayan? Mine-memorize? Ang salita ba ng Diyos ang nagpapatakbo sa buhay mo? Masusubok ‘yan lalo na sa mga panahong dumaraan tayo sa mga mahihirap na yugto ng buhay natin. Sa Psalm 119:121-128, pag-aaralan natin ang sagot sa tanong na ito: Ano ang katangian ng isang tagasunod ni Cristo na dumaraan sa hirap ng buhay?