
About
Paano nakakaapekto ang mga kasamaang nasa paligid natin sa damdamin natin sa salita ng Diyos? Magiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga. Nababawasan ang tiwala sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Kaya dito sa Psalm 119:113–120 matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pagtitiwala, at pagkatakot sa salita ng Diyos sa kabila ng mga kasamaan sa paligid natin.