
About
Ang kuwento ng Genesis 3:1-13 ay hindi lang kuwentong katulad ng kuwento ng buhay natin, hindi lang kuwentong nagpapaliwanag ng kuwento ng buhay natin ngayon, kundi ito rin ang kuwentong bahagi ng buhay natin dahil tayong lahat ay nagmula kay Adan. Hindi ito legend o mythology o simple life illustration. Ito ay makasaysayang kuwento na kinapapalooban ng kuwento ng buhay ng lahat ng tao. Ganyan kahalaga ang kuwentong ito.