Isa sa mga beterano at pinaka-recognizable na emcees sa battle rap scene—mula Bahay Katay hanggang FlipTop, Motus, SpitYoBars, at iba’t ibang liga—kasama natin ngayon si Mastafeat!
Napagkwentuhan namin ang simulain niya sa GMA, Cavite, paano siya napasok sa hip hop at battle rap, at kung paano nabuo yung style na kilala sa kanya ngayon: freestyle, melodic delivery, at unpredictable humor.
Binalikan din namin ang naging journey niya mula Process of Illumination at early FlipTop battles, hanggang pandemic-era performances, criticism, setbacks, paglabas sa iba’t ibang liga, at muling pagpapakilala sa sarili bilang emcee.
At siyempre, nakilala rin natin si Mastafeat sa labas ng battle rap: pamilya, trabaho, acting, priorities habang tumatanda, at kung paano siya naging “Kuya Pito” para sa mas bagong generation ng emcees.
Sa dami ng naging version ni Mastafeat sa paglipas ng panahon—sino nga ba talaga ang totoong Masta? At ano pa ang gusto niyang patunayan?
Bagong episode ng Bara-Bara, collab podcast ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League.
Listen up, yo!
About