
394: Pakiusap lang, mag-usap-usap tayo! w/ Prof. Joselito delos Reyes & Jerry Gracio
The Linya-Linya Show
Sa pinakabagong episode ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang dalawang award-winning writers at guro—Prof. Joselito Delos Reyes at Jerry Gracio—para sa isang masayang pero makabuluhang kwentuhan.
Pinag-usapan namin ang mga recent na balita sa pulitika, ang mga aral na dapat sana’y natutuhan sa mga huling kampanya, at ang halaga ng pag-uusap-usap ng iba’t ibang mga grupo at kampo, upang maipanalo ang mga nais nating mamuno sa bansa.
Syempre, natalakay din natin kung paano nagbabago ang paraan ng pagsusulat—mula sa tradisyunal na panitikan hanggang sa social media. Napagkwentuhan din ang creative writing, ang papel ng manunulat sa lipunan, at syempre, ang hypothetical campaign strategy kung sakaling tumakbo na nga sa pulitika si Sir Jerry Gracio (haha!).
Isang usapan na may talas, may tawa, at may lalim—para sa mga naniniwala na ang salita ay may bigat, at ang panitikan ay may pakialam.
Listen up, yo!