378: Daddy Diaries - 60 Years of Karate in the Philippines w/ Engr. Rene Sangalang
31 October 2025

378: Daddy Diaries - 60 Years of Karate in the Philippines w/ Engr. Rene Sangalang

The Linya-Linya Show

About

Sa special Daddy Diaries episode na ‘to, magkasama ulit kami ni Engr. at Sensei Rene Sangalang — para pag-usapan ang 60 years ng Okinawan Shorin-Ryu Karate sa Pilipinas ngayong 2025.

Dito, binalikan namin ang kasaysayan ng Karate — mula Okinawa hanggang sa pagdating nito sa Pilipinas. Ibinahagi ni Daddy ang mga natutuhan niya mula sa huling biyahe niya sa Fukuoka at Okinawa, kung saan muli siyang nag-training kasama ang kanyang Master. Dito niya rin nahanap ang lakas ng loob para itanong ang mga matagal na niyang gustong malaman tungkol sa sining ng Karate— at sa wakas, ibinahagi ng kanyang Master ang mga “secret techniques” na hindi pa naituro noon.

Napag-usapan din namin ang nalalapit na 60th Anniversary Celebration ng Shorin-Ryu Karate sa bansa — kung saan babalik ang kanilang Master, si Seigi Shiroma, isa sa mga pioneer instructors ng Karate sa Pilipinas, para magsagawa ng Kata kasama ang mga Karateka mula sa iba’t ibang henerasyon.

Isang malaman at makasaysayang usapan ng mag-ama — tungkol sa disiplina, lakas ng loob, at sa walang katapusang pag-aaral ng sining at buhay.