God in the Chaos (Tagalog)
01 December 2025

God in the Chaos (Tagalog)

RLCC Sunday Sermons

About

Nararamdaman mo bang parang ang bigat ng mundo lately? Baka napapansin mong sumisikip ang dibdib mo sa stress—may mga sakit ng ulo, hirap matulog, o parang laging tensyonado ang katawan. Madalas ka bang mag-overthink, madaling mainis, o nag-aalala sa mga bagay na hindi pa nangyayari? O baka naman unti-unti kang lumalayo sa mga tao, nawawalan ng pasensya, o sinusubukang kontrolin ang lahat.

At sa spiritual life mo, pakiramdam mo bang parang ang layo mo kay Lord—hirap mag-pray, hirap magpasalamat? Kapag magulo ang buhay, natural lang na hanapin natin ang tunay na kapayapaan.


Samahan mo kami ngayong Sunday sa RLCC habang pinag-uusapan natin kung paano makakaranas ng tunay na peace—kahit pa unstable, uncertain, o parang hopeless ang paligid. Hindi mo kailangang buhatin ang anxiety mag-isa. Kasama ang God’s people, maririnig mo ang mensaheng kailangan ng puso mo ngayon.

Isama mo na rin ang pamilya at mga kaibigan!

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.