
About
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang isang OFW sa Dubai na matagal na ring nakalimutang mahalin ang sarili matapos ang walong taong relasyon na puno ng sakit, pagdududa, at pananakit. Sa gitna ng pagod at lungkot sa ibang bansa, hindi niya inaasahang may isang lalaking unti-unting magpaparamdam sa kaniya ng halaga at pagmamahal na matagal niyang hinanap. Nagsimula sa simpleng chats at tawagan, hanggang sa isang gabing may narinig siyang mga salitang tuluyang tumagos sa puso niya mga salitang nagpaniwala sa kanya na deserve din pala niyang mahalin nang tama. Ito ang secret file ni Nathalie.