
About
Isang kuwentong hango sa totoong karanasan ni Melchor, na magpapatanong sa'yo kung sino ang tunay na biktima at sino ang salarin. Sa loob ng bahay na binura na ng panahon at nilimot ng lipunan, matutuklasan ni Anthony
ang mapanlinlang na katotohanan, ang mga huwad na nagpapanggap, at ang madilim na enerhiyang bumabalot sa bawat sulok ng tahanan. Sa bawat pahayag, maririnig mo ang sigalot ng kabutihan at kasamaan, ang panlilinlang, at ang babala ng mga kuwentong bayan na tila ba muling nabubuhay.