
24 December 2025
Lalaki, nanirahan sa lansangan ng Maynila pagkatapos grumaduate ng kolehiyo?! | i-Listen
I-Listen with Kara David
About
Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan.
Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program.
Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho?
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'