zeno
Home
Explore
Religious
Music
News
Podcasts
Bible
By Genre
By Location
By Language
Download App
Log in
Sign up
Toggle Sidebar
zeno
Kara David
I-Listen with Kara David
Society & Culture
Filipino
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.
Website
Episodes
17
14 January 2026
Chariz Solomon, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang childhood trauma | i-Listen
Good vibes ang hatid ng komedyanteng si Chariz Solomon sa kanyang witty humor at nakakatuwang skits at banat. Pero sa likod ng kanyang mga tawa ay isang malungkot na kuwento mula sa kanyang childhood.Sa unang pagkakataon, matapang na ibinahagi ni Chariz Solomon ang naranasang pang-aabuso at hirap kay Kara David.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
37 min
07 January 2026
Content creator Lorenz Olleres, matapang na ibinahagi ang pakikipaglaban sa HIV | i-Listen
Paalala - Sensitibo ang paksa. Maging disente sa pagkomento.Sa edad na 18 ay na-diagnose ang content creator na si Lorenz Edilbert Olleres ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV. Dahil sa limitadong HIV education, nakatanggap si Lorenz ng panghuhusga mula sa kanyang pamilya maging ng diskriminasyon sa trabaho noon. Ngayon, 12 taon nang undetectable ang virus sa kanyang katawan at...
30 min
31 December 2025
Lara Liwanag, itinumba ang 9-time national CrossFit champion ng Thailand sa Physical Asia | i-Listen
Kabilang ang CrossFit athlete na si Lara Liwanag sa mga buong tapang na lumaban para sa Team Philippines sa Netflix reality competition na Physical: Asia. Dahil sa ipinamalas niyang lakas at diskarte, binansagan siya ng mga netizen bilang “Clutch Queen.”Paano nga ba nila napatumba ang bodybuilders at kapwa CrossFit athlete? At ano-ano nga ba ang nagbago sa buhay ni Lara pagkatapos mapabilang sa...
28 min
24 December 2025
Lalaki, nanirahan sa lansangan ng Maynila pagkatapos grumaduate ng kolehiyo?! | i-Listen
Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan.Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program.Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho?Pakinggan 'yan...
30 min
17 December 2025
Ahtisa Manalo, laging itlog ang baon noon sa klase; kontesera na sa edad na 10?! | i-Listen
Alam n’yo bang 18 taon nang sumasali si Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo sa beauty pageants? At sa edad na 10, nakamit na si Ahtisa ang una niyang korona sa isang school beauty competition!Ang kanyang pinaghugutan ng lakas at pinagdaanang hirap, matapang niyang ibabahagi kay Kara David.
24 min
10 December 2025
Wilma Doesnt, walang naramdaman na lukso ng dugo sa mga tunay na magulang?! | i-Listen
Wala raw naramdamang lukso ng dugo si Wilma Doesnt sa kanyang tunay na magulang nang makilala niya ang mga ito. Pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya naramdaman na hindi siya tunay na anak ng kanyang foster parents. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
30 min
03 December 2025
PWD Teacher, literal na ginapang ang pag-aaral para maging isang guro?! | i-Listen
Ipinanganak si Carla Dela Cruz na may 'spina bifida occulta,' isang kondisyon kung saan underdeveloped ang kanyang spine. Dahil dito, kinakailangang gumapang ni Carla para makapasok noon sa kanyang mga klase.Ang pagpupursigi at determinasyon niya... nagbunga at siya'y isa nang SPED teacher ngayon!Saan nga ba siya humugot ng lakas para matupad ang mga pangarap niya? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen...
21 min
26 November 2025
Lola, pinakamatandang active runner sa Pilipinas sa edad na 78! | i-Listen
Kaya ba 'to ng lola ninyo? Sa edad na 78, si Lola Rosalinda Ogsimer, nakasali na sa iba't ibang fun run — mula sa 5K, 10K hanggang sa 21K half-marathons at ultra-distance race na aabot hanggang 65 kilometro! Paano nga ba nahilig si Lola Rosalinda sa pagtakbo?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
24 min
19 November 2025
Inka Magnaye, matapang na hinarap ang bipolar at ADHD disorder | i-Listen
Trigger warning: Mentions of depressionAng boses ni Inka Magnaye na nagpapakalma sa milyon-milyong netizen, may itinatago ring takot at pagdurusa. Taong 2021 nang ma-diagnose siya ng bipolar disorder at kamakailan ay napag-alaman ding may Attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Paano nga ba niya ito nilabanan?Pakinggan ang matapang na pagbabahagi ni Inka sa ‘i-Listen with Kara David.’
33 min
12 November 2025
Herlene Budol, minsan na nga bang nakatanggap ng indecent proposal? | i-Listen
Bago maging isang aktres at host si Herlene Budol, iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok para kumita ng pera. Pinasok niya ang pagiging umbrella girl, waitress at labandera! Pero ni minsan ba ay nakatanggap siya ng indecent proposal?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
32 min