Welcome back hugs! Nasa finale na tayo ng ating series para sa mga heartbroken. Naranasan mo na bang maging grounded sa kwarto for one whole week? Walang labas-labas, talagang sa loob ka lang 24/7. Kung hindi naman, dumating ka na ba sa puntong gusto mong makamove-on pero kahit anong pilit mo, kahit anong advice pa ang sabihin ng iba, hindi mo talaga kaya? Kasi kung oo, katumbas na rin nyan yung pagiging grounded nang isang buong linggo – actually mas malala pa nga. Pareho kang hindi malaya. Ang kaso lang kasi, ‘yung pagkakakulong sa loob, alam mong may katapusan eh. Nagbibilang ka ng mga araw pero alam mong may hangganan. Sure ka kung kailan magtatapos, pero ang pagmomove on? Hindi mo alam kung kailan ba talaga mangyayari. Araw-araw mong gustong “makalaya” sa sakit, mabigyang sagot ang mga tanong. Gustong-gusto mong makamove on pero hindi mo magawa. Lalo na kapag hindi ka makausad kasi hinihintay mo ‘yung “closure” na ibibigay ng kabilang side. ‘Yung parang kapag nagti-take ka ng exam, may timer. Hindi ka naman habangbuhay na sasagot. May signal or hudyat na tapos na. Kapag narinig mo na ‘yung bell o ‘yung sigaw ng teacher, finished or not, pass your papers. Kaya nga mahirap kapag walang closure sa isang break-up. Hindi mo masabing tapos na kasi walang final event na nangyari, pero hindi mo rin masabing meron pa kasi iniwan ka na nga sa ere. Ito kasi ang sakit ng maraming lalaki. Dahil hindi marunong mag-express ng feelings nila verbally, nang-iiwan na lang sa ere tapos mage-expect na gets na ng babae ‘yun. Ginagawa pang imbestigador ang mga girls at hinahayaang mag-decipher ng kung ano mang gustong iparating ni guy. Kaya kung ikaw, matagal ka nang hindi pinapansin, walang efforts na makipag-communicate sa’yo, girl ito na ang sign – mag-move on ka na. Maging fair ka sa sarili mo. Sabi nga ni Angelica Panganiban, minsan ‘yung hindi pagkakaroon ng closure, ‘yun na mismo ang closure na hinihintay mo. ‘Wag mong hayaang makulong ka sa ganiyang sitwasyon.