Batchmates, takot ka ba sa ipis?
Alam niyo ba na merong bagong species ng ipis ang nadiskubre ng isang mananaliksik ng UPLB Museum of Natural History? Parehas lang kaya ito sa mga nakikitang ipis sa bahay? Tuklasin natin kung ano bang benepisyong hatid ng madalas ay pinandidiriang insekto sa ating kalikasan.
Makikitambay din sa atin ang isang alumnus na ngayo'y fakulti na sa UPLB College of Engineering and Agro-industrial Technology! Sagot na rin namin ang latest news and updates sa ating pamantasan ngayong linggo.
Kaya tambay na sa programang hatid ay samu't-saring kuwento at balitang nagpapamalas ng husay, puso, at talino ng mga isko at iska ng University of the Philippines Los Baños.
Ito ang #GalingUPLB sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran!