Ep 32 | Pink Vestments? At May ‘Advent Countdown’ Pa sa Simbang Gabi?
19 December 2025

Ep 32 | Pink Vestments? At May ‘Advent Countdown’ Pa sa Simbang Gabi?

Feeling Propeta: Teka, Lord..

About

“Bakit biglang pink ang kandila?”

“Bakit iba rin ang suot ng pari?”

“At totoo bang may ‘hidden countdown’ sa gitna ng Simbang Gabi na hindi natin napapansin?”


Tuwing Advent, may mga simbolong paulit-ulit nating nakikita sa Simbahan: apat na kandila, mga kulay na nag-iiba, mga awit na pamilyar. Pero madalas, sanay na lang tayo. Hindi na nagtatanong kung bakit.


Sa episode na ito, Ann Mare and Fr. Lennon unpack two quiet but powerful Advent moments we often overlook. Ito ay

ang biglaang paglitaw ng rose candle at vestments sa kalagitnaan ng Advent, at ang sinaunang “O Antiphons”, isang lihim na countdown ng Simbahan sa mga huling araw bago Pasko.


Pag-uusapan nila kung bakit may “Rejoice” sa gitna ng paghihintay, kung paano tinuturuan tayo ng Simbahan na magsaya kahit hindi pa tapos ang kwento, at kung bakit ang huling linggo ng Advent ay hindi minamadali kundi pinapalalim.


Kung pakiramdam mo ay pagod ka na sa kakahintay, o parang dumadaan na lang ang Advent taon-taon, this episode invites you to pause, to see, to listen, and to rejoice quietly dahil ang Panginoon ay malapit na.


✨ Follow us for more kwentuhang faith:

📍 FB: https://www.facebook.com/share/16UykUBmBE/

📍 IG: https://www.instagram.com/fptl.podcast


May tanong, hugot, o gusto mong i-share?

📩 Email us at feelingpropeta@gmail.com


Don’t forget to follow, rate, and share this podcast.

Kita-kits next episode, ka-Propeta! 🎙️✨