
About
Isang nilalang na nagngangalang Ukran ang nagbabantay sa isang bulaklak na nagtataglay ng pambihirang mutya. Kapag namulaklak ito, nagdudulot ng kagalingan, pero kapag napitas ng hindi karapat-dapat, nagiging mitsa ng kapahamakan. Isang batang mangangahoy ang hindi sinasadyang makatagpo ng bulaklak—at napasunod siya sa tinig na nag-aanyaya ng regalo.