
About
Ngayong alam na ni Eniego ang bigat ng kanyang pinanggalingan, mas mabibigat na nilalang ang nag-aabang. Dumadalas ang gabi na hindi niya alam kung bangungot ba o paalala ang mga nakikita niyang anino. May bagong kaalyado na susulpot para gabayan siya, ngunit hindi niya alam kung ito ba’y tunay na kakampi o isa pang patibong.