
About
Bata pa lamang si Raul at Donna, planado ang future nila together. Mag-BFF ang kanilang mga ina at bago pa sila pinanganak, ninais na talaga silang ipakasal sa isa’t-isa. Pero dahil lumaking magkasama at magkasangga, hindi romantic feelings ang nabuo kay Raul, kapatid ang naging turing niya kay Donna at hindi future asawa. Pakinggan ang kwento ni Raul sa Barangay Love Stories.