
About
Masakit sa puso kapag nagmahal ka ng tao na sa simula pa lang ay alam mong hindi na magiging iyo. Tulad ni Shaun na matagal nang gusto si Meredith pero kahit pa sinubukan niyang ligawan ang dalaga, may tinitibok na pala ang puso nito. Kaya wala na siyang nagawa kun'di ang pagmasdan si Meredith na maging masaya sa piling ng lalaking pinili nito. Pakinggan ang kwento ni Shaun sa Barangay Love Stories.