About
Sa likod ng tagumpay at kasaganaan, may madilim na kasalanang nakatago sa lalim ng karagatan.
Nang dahil sa inggit, itinulak ni Alfonso ang sariling kapatid na si Erson upang maagaw ang negosyo ng pamilya. Akala niya'y nagwagi na siya, ngunit hindi naglaon ay nagsimula siyang dalawin ng isang gabi-gabing bangungot—isang maitim at nakatakot na nilalang na maniningil sa kanyang nagawang krimen.
Tuklasin ang kwento ng kasakiman, ganti mula sa kabilang buhay, at ang mabigat na presyo ng isang madilim na lihim.