
About
Isang sinaunang maso na minana pa ni Tandang Ino ang nagtataglay ng mutyang nagbibigay-lakas at proteksiyon—ngunit may kapalit. Nang subukang agawin ito ng masasamang nilalang, nabunyag ang tunay na kapangyarihan ng mutya, pati ang madilim na kasunduang matagal nang tinatakasan ng angkan ni Ino.